Wednesday, October 15, 2008

Ang Wikang Ingles sa Pilipinas

Mismong ako, nahihirapan akong magsalita o magsulat ng purong Filipino. Sigurado ako, na sa mismong "post" na ito, 'di ko maiiwasang gumamit ng wikang Ingles (At hayun na nga, 'di na nga puro...) Ang Filipino ngayon ay nahaluan na ng iba't ibang wikang banyaga, dahil sabi nga ng mga eksperto, ito ay isang "living language" na bukas sa panghihiram ng mga salita mula sa ibang mga lengwahe. Pero kung ako ay kakausapin ng isang purista, maiintindihan ko rin naman ito. Kakatwa nga lang isipin na marami pa rin sa atin ang nagsasabing hindi maaaring maging "mode of instruction" ang Ingles sa mga eskwelahan, dahil masisira nito ang ating pagiging tunay na Filipino, ngayong punumpuno naman ng "loan words" ang wikang ito.

Sa isang banda, dapat pa rin nating pahalagahan ang ating sariling mga lengwahe, at hindi lang ang Filipino (o Tagalog sa iba). Nariyan na ang ating lokal o pangrehiyon na lengwahe tulad ng Ilocano, Cebuano, Hiligaynon, o Kapampangan, na nagbabadyang mabaon sa limot ng mga susunod na henerasyon 'pag naglaon.

Para sa akin, hinde dapat maging opisyal na moda ng istruksyon ang Ingles sa mga estudyante, bagkus, dapat nga silang kausapin sa kanilang mga "mother tongue". Kung gagawin 'to ng gobyerno, para lang maipagbayo ang kakayahan ng Pilipinong magsalita ng Ingles, at nang sa gayon ay makapangibang bansa rin naman bandang huli, huwag na lang 'di ba? Puno ng potensyal ang ating bansa, pwede rin naman tayong maging mayaman ng hinde lang "pag-aabroad" ang iniisip.

Gayunpaman, hinde ko naman sinasabi na ayokong mangibang bansa. Sa kasalukuyang sistemang politikal at ekonomiya ng bansa, medyo nakabababa talaga ang mga trabaho dito sa atin, kumpara sa mga "high-paying" na trabaho sa ibang bansa. Ngunit, hinde solusyon ang pag-impose ng Ingles sa pagtuturo ng mga bata.

Kung babasahin n'yo 'yung naka-link sa pamagat ng post na ito, mapapansin na nag-iba na ang daloy ng usapan pagdating sa mga komento. Maraming nagsasabing gusto rin nilang maibalik ang Espanyol, bilang isa sa mga opisyal na wika ng bansa. Nasira tuloy ang pinupunto ng mismong artikulo. Mukhang kailangang pag-usapan yang kumplikadong bagay na iyan sa iba pang "entry" ng blog ko.

Mas mabuting ipagpatuloy na lang ang pagtuturo sa tradisyunal na pamamaraan. Kapag purong Ingles ang ginawang "mode of instruction" sa mga eskwela, makakalimutan na ng mga nakababatang henerasyon ang kanilang sariling Wika, kasama na rin ng lokal na lengwahe nila (gaya ng Cebuano, Bicolano, etc.)

Wikang Filipino para sa mga asignaturang malapit sa ating bansa, tulad ng Sosyologo, Kultura, Heograpiya, Sining Pangkomunikasyon, atbp. At wikang Ingles naman para sa Agham, Matematika, at ibang mga panteknikal na asignatura, na hinde naman pwedeng isalin sa ating sariling lengwahe. Gayundin, mangyaring bigyan ding pagkakataon ang mga haiskul na matuto ng Espanyol upang mas lalong matutunan ang ating Kasaysayan. dapat din, na ang mga lengwaheng panrehiyon o lokal, ay patuloy pa ring ipalaganap sa mga pamamahay, at kung kakayanin ay gamiten sa mababang paaralan, dahil ito ay mga natitirang salamin ng ating mga ninuno.

Sunday, October 05, 2008

Climate Change: How Fatal?

I've just come across this article about Sen. Loren Legarda, calling upon the Filipinos to support the projects the government is bound to undertake for the security of our future. She cites Albay and Puerto Princesa as model provinces, and that their initiatives should be replicated by the rest of the country. I'm not exactly a fan of her, though. But I do not disagree with her, either (It should be known to you that Philippine politics is a world full of biased commentaries and hypocrisies, and I wouldn't want to be labeled as such).

I won't pretend that I am very learned with this subject matter, climate change, and how it would affect our nation, moreover, the world in the next few years. For an individual like me, who spends thirty minutes watching the daily news (sometimes), it's not an easy task to comment on this issue. What I know, however, is that it would entirely be foolish of me not to be aware, for that matter. It would never hurt to know, so might as well visit the link (by clicking this post's title).