Sa Wakas Tumila din Ang Ulan
Nakatatawang isipin na noong Hulyo lang ay ipinagdarasal ng Simbahang Katoliko na magkaroon na ng pag-ulan, dahil na rin sa matagal ng panahon ng tagtuyot sa ating bansa. Matatandaan na ang Pilipinas ay isang agrikulturang estado, at tayo ay umaasa pa rin s tulong ng mga ulan upang magbigay daan sa mga yamang-lupa ng ating mga magsasaka. Idiniin ng DOA na kulang pa rin ang tubig ng ating mga dam upang matugunan ang kinakailangang patubig sa mga sakahan.
.
At hayun nga, sinagot ng Diyos ang ating dasal. 3 sunud-dunod na bagyo ang nagmadaling mamasyal sa ating bansa ngayong Agosto lang: sina Chedeng, Dodong at Egay. Ang babait nga nila. Maraming nasalanta ng bagyo, mga pananim na nasira, mga bahay na pinuno ng tubig (o lahar), mga barangay na nabura sa mapa, at mga namatay. Kakatwa na ang hinihingi nating tulong, na sana ay pupunan sa ating supply ng tubig, ay siya ring naging kasangkapan ng pagkagimbal at pamomroblema ng mga Pilipino.
Ganyan talaga ang buhay. Eto ang madalas nating marineg. Ironic, ika nga nila. Marami sa atin ang nagkikibit-balikat na lang. Iniisip kasi natin na wala rin tayong magagawa dito. Parehas din ba ito ng mga suliranin na nakakaharap natin sa pang-araw-araw na buhay natin? Medyo.
Ang pagkakaiba nga lang, mas kontrolado pa rin natin ang mga personal na desisyon. Hinde natin maihahambing ang walang kapatawarang pananalasa ng isang bagyo, sa isang biglaang suliranin ng ating mga sarili, mapatungkol man iyan sa relasyon, pagkakaibigan, trabaho, pag-ibig, atbp. Oo, may magagawa pa rin tayo, anu mang problema iyan. Basta kailangan lang nating mag-isip ng pinakamabuting paraan. 'Yung sanang hindi natin pagsisihan pagdating ng araw.
Note: This is my very first blogger post in Filipino.

0 Comments:
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link
<< Home